Home2020Maling Pag-iingat

Maling Pag-iingat

“Ito ay nagbibigay-daan sa mga tao na ihiwalay ang kanilang mga sarili at ihiwalay ang iba sapagkat sila ay pinaghaharian ng pagkatakot.”

Ang nagpapahamak sa ilang kaluluwa ay isang maling “pag-iingat.” Ito ay isang pantaong pag- iingat na lumilitaw sa tuwing nagpapakita ang banal. Ito ay parang isang birtud, subalit ito’y higit na nakasusuklam kaysa bisyo. Ayaw nitong bigyan ng sama ng loob ang sinuman. Hinahayaan nito ang mayayaman na pumunta sa impiyerno (“tinanggap na nila ang kanilang gantimpala”), sa hindi nito pagbigay ng liwanag sa kanila.

EL EXPOLIO / EL GRECO
EL EXPOLIO / EL GRECO

Hindi mo alam kung ano ang maaring maganap! Hinahayaan nito ang mga kasapi ng pamilyang kapitbahay na magbug-bugan at magpatayan, dahil ang makialam ay maaring humantong sa pagpaparatang ng panghihimasok sa buhay ng ibang tao. Maari rin itong mangahulugan ng pagsaksi sa hukuman.

Magiging malaking kaabalahan iyon! Pinapayuhan nitong uri ng pag-iingat ang mga santo na maging mahinahon sapag-kat maaring may mangyari sa kanila. Ito ay nagbibigay-daan sa mga tao na ihiwalay ang kanilang mga sarili at ihiwalay ang iba sapagkat sila ay pinaghaharian ng pagkatakot.

Higit sa lahat, pinoproblema nito ang Diyos sapagkat makapagbubunsod Siya ng isang ganap na pagbabago kung Siya ay kikilos nang labis sa daigdig sa pamamagitan ng Kanyang matatapat na anak. At tulad ni Kristo, yaong mga anak ay maaring magbuwis ng kanilang buhay sapagkat sila’y kinasusuklaman ng mundo tulad ng pagkasuklam nito sa Kanya.

Naniniwala ako na ito ay isang huwad na birtud na itinataguyod at pinalalala ng demonyo na makagagawa ng maraming bagay sa ganoong kalagayan.

May isang taong hindi nagkaroon ng ganitong uri ng pag-iingat: si Hesukristo. Nang ibigay Niya ang Kanyang kauna-una hang pangaral, ninais ni lang patayin Siya kaagad.

“Subalit dumaan Siya sa gitna nila at umalis” (Lucas 4:30).

Kung ating titingnan ang Kanyang buhay sa mata nitong mga “maiingat” na tao, ang lahat dito ay parang kawalan ng pag-iingat. Higit pa rito, kung susundin nitong mga maiingat na tao ang kanilang pangangatwiran, iisipin nila na ang Kanyang kamatayan, ang krus, ay dahil sa Kanyang kawalan ng pag-iingat.

Naniniwala ako na wala ni isang salita ni Kristo ang hindi nagpapatunay na kasinungalingan ang pagpapalagay ng mga taong ganoon. Ito ay sa dahilang ang Diyos at ang mundo ay tunay na magkasalungat sa isa’t isa. At yaon lamang sumasalungat sa mundo upang sundan si Kristo ang makapagbibigay ng bagong pag-asa sa sangka tauhan.

Isinalin ni Msgr. Jose C. Abriol mula sa aklat na “Meditations” ni Chiara Lubich

DONATE TO NEW CITY PRESS PH

New City Press Philippines offers all its articles for free; we would appreciate a small donation to help us continue serving you with relevant content.

For donations please click the donate button. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here


Must Read