HomeKATAGA NG BUHAY“Taglay ang dakilang kapangyarihan, nagpatotoo ang mga apostol sa muling pagkabuhay ng...

“Taglay ang dakilang kapangyarihan, nagpatotoo ang mga apostol sa muling pagkabuhay ng Panginoong Hesus. At malakas ang pagkilos ng biyaya ng Diyos sa kanilang lahat.” (Mga Gawa 4:33)

Kung isasabuhay natin ang Kanyang Salita… na pinapanatili ang pag-ibig sa ating kapwa na nag-aalab sa ating mga puso, na pinapanatili ang tugunang pagmamahal sa pagitan natin, Siya na Nabuhay na Mag-uli ay mabubuhay sa atin at sa piling natin. Kakalat ang Kanyang liwanag at biyaya sa paligid natin, na binabago ang ating kapaligiran at nagdudulot ng hindi mabilang na bunga.

Taglay ang dakilang kapangyarihan, nagpatotoo ang mga apostol sa muling pagkabuhay ng Panginoong Hesus. At malakas ang pagkilos ng biyaya ng Diyos sa kanilang lahat. (Mga Gawa 4:33)

Itong Kataga ng Buhay, na pumapatak sa panahon ng Pasko ng Pagkabuhay, ay nag-aanyaya sa lahat ng nakatanggap ng mensahe ng Mabuting Balita na malayang tumugon at sumaksi sa muling pagkabuhay ni Hesus!

Upang lubos na maunawaan ang kahulugan ng taludtod na ito na hango sa Mga Gawa ng mga Apostol, makabubuting basahin ang pangungusap na nauuna rito: “Lahat ng mga mananampalataya ay nagkakaisa sa puso’t kaluluwa, at di itinuring ninuman na kanya ang anuman sa kanyang mga ari-arian, kundi para sa lahat.” 1

Taglay ang dakilang kapangyarihan, nagpatotoo ang mga apostol sa muling pagkabuhay ng Panginoong Hesus. At malakas ang pagkilos ng biyaya ng Diyos sa kanilang lahat.

Inilalahad dito ang unang Kristiyanong komunidad na pinasigla ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu, na nakikilala sa pamamagitan ng pakikipag-isa na nagtutulak sa kanila na ipahayag ang Mabuting Balita sa lahat, na si Kristo ay nabuhay na mag-uli.

Sila rin ang mga tao na bago ang Pentecostes ay natakot at naguluhan sa mga huling kaganapan, at ngayon ay lumalabas nang hayagan, handang magpatotoo hanggang sa punto ng pagiging martir. Ito’y salamat sa kapangyarihan ng Espiritu Santo na nag-alis ng lahat ng takot at pangamba.

Sila’y nagkakaisa sa puso’t kaluluwa, isinasabuhay ang tugunang pagmamahal hanggang sa pagbabahagi ng mga ari-arian: ito ang nangyayari noon na patuloy na umaakit sa mas maraming tao.

Ang mga babae’t lalaki na sumunod kay Hesus ay nakinig sa Kanyang mga salita. Namuhay sila kasama Niya sa paglilingkod at pagmamahal sa mga pinakahamak, sa mga may sakit. Nakita mismo ng kanilang mga mata ang mga kahanga-hangang ginawa ni Hesus. Nagbago ang kanilang buhay dahil tinawag sila upang mamuhay ayon sa isang bagong batas. Sila ang naging mga unang saksi ng buháy na presensya ng Diyos sa mga tao.

Ngunit para sa ating mga tagasunod ni Hesus ngayon, ano ang ibig sabihin ng pagsaksi?

Taglay ang dakilang kapangyarihan, nagpatotoo ang mga apostol tungkol sa muling pagkabuhay ng Panginoong Hesus. At malakas ang pagkilos ng biyaya ng Diyos sa kanilang lahat.

Ang pinakamabisang paraan ng pagsaksi sa Kanya na Muling Nabuhay ay ang ipakita na Siya’y buhay at nakipamayan sa atin. “Kung isasabuhay natin ang Kanyang Salita, […] na pinapanatili ang pag-ibig sa ating kapwa na nag-aalab sa ating mga puso, kung nagsisikap tayong laging mapanatili ang tugunang pagmamahal sa pagitan natin, kung gayon, Siya na Nabuhay na Mag-uli ay mabubuhay sa atin, at sa piling natin. Kakalat ang Kanyang liwanag at biyaya sa paligid natin, na binabago ang ating kapaligiran at nagdudulot ng hindi mabilang na bunga. At gagabayan Niya, sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu, ang ating mga hakbang at gawa; aayusin Niya ang kalagayan at mga pangyayari at bibigyan tayo ng mga pagkakataong maihatid ang Kanyang buhay sa mga taong nangangailangan sa Kanya.” 2

Taglay ang dakilang kapangyarihan, nagpatotoo ang mga apostol tungkol sa muling pagkabuhay ng Panginoong Hesus. At malakas ang pagkilos ng biyaya ng Diyos sa kanilang lahat.

Isinulat ni Margaret Karram3: “Humayo kayo sa buong mundo at ipangaral ang mabuting balita sa lahat ng nilikha” 4 ay isang di-pangkaraniwang tagubilin na direktang natanggap ng mga apostol mula kay Hesus dalawang libong taon na ang nakalilipas at binago nito ang takbo ng kasaysayan. Sa ngayon, ito rin ang paanyaya ni Hesus sa atin upang dalhin Siya sa mundo: binibigyan Niya tayo ng posibilidad na gawin ito gamit ang ating pagkamalikhain, kakayahan at kalayaan na ibinigay Niya sa atin.” 5

Ito ay isang pagpapahayag “na hindi nagtatapos sa Kanyang kamatayan, bagkus ito’y kumukuha ng bagong lakas pagkatapos ng Muling Pagkabuhay at ang Pentecostes, kung saan ang mga alagad ay naging mga matapang na saksi ng Mabuting Balita. At ang Kanyang tagubilin ay nakarating rin sa atin ngayon. Sa pamamagitan ko, sa pamamagitan ng bawat isa sa atin, nais ng Diyos na ipagpatuloy ang pagsasalaysay ng Kanyang kuwento ng pag-ibig sa mga taong nakakasama natin sa mga maikli o mahabang panahon ng ating buhay.” 6

Patrizia Mazzola at ang pangkat ng Kataga ng Buhay

1 Mga Gawa 4:32.

2 C. Lubich, Kataga ng Buhay, Enero 1986.

3 Pangulo ng Kilusang Focolare.

4 Marcos 16:15.

5 Margaret Karram, We Are Called and We Are Sent, Rocca di Papa, Setyembre 15, 2023.

6 Ibid.

DONATE TO NEW CITY PRESS PH

New City Press Philippines offers all its articles for free; we would appreciate a small donation to help us continue serving you with relevant content.

For donations please click the donate button. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here


Must Read