Home2022Magbantay Kayo

Magbantay Kayo

Hinihiling ni Hesus ang pag-ibig. Kaya pinaki­kiusapan Niya tayong magbantay. Para lang tayo makitang ligtas, pinakikita rin Niya sa atin ang gantimpala at ang kaparusahan.

“Magbantay kayo” (Marco 13:35). Bi­nabanggit ang pagbabantay sa Mabuting Balita, nang may bigkis sa baywang at nagnini­ngas na mga ilawan. Nangangako ito sa mapagbantay na alipin, na bibigkisan ng Panginoon ang Kanyang sarili sa Kanyang pagdating, at siya’y pagsisilbihan.

Tanging pag-ibig ang mapagbantay. Isang katangian ito ng pag-ibig. Kapag ang sinuman ay umiibig sa isang tao, siya ay nagbabantay at naghihintay sa kanya nang walang tigil. Bawat sanda­ling lumipas na malayo sa minamahal ay isina­sabuhay na kasama siya sa isipan. Ito ay ginu­gugol sa pag­hihintay.

Hinihiling ni Hesus ang pag-ibig. Kaya pinaki­kiusapan Niya tayong magbantay.

Ang sinumang natatakot ay nagbabantay rin. Sa katunayan, binabanggit ni He­sus ang tungkol sa mga magnanakaw. Tayo’y nagbabantay dahil sa tayo’y natatakot, at tayo’y natatakot sapagkat mayroon tayong minamahal na hindi natin nais na mawala.

Hinihingi ni Hesus ang pag-ibig. Ngunit ya­yamang minamahal din Niya tayo, pinupukaw Niya ang pagkatakot sa atin upang tayo’y iligtas. Kumikilos Siya tulad ng isang ina na nangangako sa kanyang mga anak ng isang gantimpala o parusa na naaayon sa kanilang pagkilos.

Hindi lamang humihiling si Hesus ng da­lisay na pagmamahal, na nagbibigay nang hindi nag-iisip ng gantimpala. Para lang tayo makitang ligtas, pinakikita rin Niya sa atin ang gantimpala at ang kaparusahan.

Chiara Lubich

Isinalin ni Msgr. Jose C. Abriol mula sa aklat na “Meditations” ni Chiara Lubich

DONATE TO NEW CITY PRESS PH

New City Press Philippines offers all its articles for free; we would appreciate a small donation to help us continue serving you with relevant content.

For donations please click the donate button. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here


Must Read