Home2021JanuaryAng Pagyakap sa Krus ng Kasalukuyan

Ang Pagyakap sa Krus ng Kasalukuyan

Sa panahon ng pandemyang COVID-19, nais naming ibahagi sa aming mga mambabasa ang salin sa Filipino ng aklat ni Chiara Lubich tungkol sa kahalagahan ng pagsasabuhay ng kasalukuyang panahon. Ang mga pagninilay na ito ay hango sa librong “Here and Now” o “Discovering the Present: Meditations on Living in the Present” ng New City Press. Nawa’y matulungan tayo nito na harapin ang bawat araw at sa bawat sandali, tupdin ang kalooban ng Diyos.

Ang Pang-araw-araw Nating Krus

Kapag isinasabuhay natin ang kasalukuyang sandali, at isinasabuhay ito nang mabuti, ating natatanto na lagi nating naisasabuhay ang mga salita ni Hesus, “Pasanin mo ang iyong krus” (Mateo 16:24). Halos lahat ng sandali ay may krus. Lagi tayong sinasamahan sa buhay ng mga maliliit o matitinding espirituwal o pisikal na paghihirap. Kailangan nating ‘pasanin’ ang mga krus na ito, na hindi sinusubukang iwasan sila sa pamamagitan ng pagtakas sa isang buhay na walang pananagutan.

At kahit na tayo’y malusog at masaya, hindi lamang mainam na tayo’y magpasalamat sa Diyos para sa lahat ng ito, kundi mabuhay rin na hindi natatali sa lahat ng ito, na hindi kumakapit sa mga kaloob bagkus, sa Tagapagbigay nito. Kung hindi, makikita natin ang sarili na malungkot at walang saysay.

Sa Kamay ng Diyos

Kadalasa’y pinahihirapan tayo ng pag-iisip kung anong mangyayari sa kinabukasan. Subalit, “Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw (Mateo 6:34). Ang bukas ay isa na namang araw, at haharapin natin sa panahong iyon ang mga suliranin ng kinabukasan. Hindi dapat tayo mag-alala; ang lahat ay nasa kamay ng Diyos. Pahihintulutan niya lamang na matupad ang kanyang kalooban at ito’y laging para sa kabutihan natin.

Chiara Lubich

Isinalin ni Jose Aranas mula sa aklat na Here and Now: Meditations on Living in the Present. Manila: New City Press, 2014, pp. 26-27

DONATE TO NEW CITY PRESS PH

New City Press Philippines offers all its articles for free; we would appreciate a small donation to help us continue serving you with relevant content.

For donations please click the donate button. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here


Must Read