Home2020DecemberAng Paghahabilin ng Sarili sa Diyos

Ang Paghahabilin ng Sarili sa Diyos

Sapat na ang inyong mga suliranin ngayon

“Huwag ninyong alalahanin ang bukas; sapagkat ang bukas ang mag-aalala sa sarili niya. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw.”(Mateo 6:34)

Ang Diyos ay bukas-palad sa lahat ng bagay. Subalit kapag paghihirap ang pag-uusapan, sinabi ng Panginoon, “Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw.” Alam natin na hindi Niya tayo nililinlang. Kaya’t kung susundin natin ang Kanyang kalooban at pagtuunan lamang ng pansin ang mga suliranin sa kasalukuyan, ang mga alalahanin natin para sa kinabukasan ay maaaring hindi talaga mangyari.

Hayaan ang Sariling Dalhin ng Diyos

Kapag naglalakad tayo, kailangan nating gamitin ang ating lakas, at may kabagalan ang ating pagkilos.

Kung gagamit tayo ng bisikleta, hindi lang tayo umaandar ng mabilis, bagkus walang kahirap-hirap pa ito. Totoong nakapagpapahinga ang ilang bahagi ng ating katawan.

Kahit na ang mga piloto’y nagpapalipad ng eroplano ng napakabilis, kaunti lamang ang kailangan nilang gawin. Ang makina ang higit na nagpapaandar ng eroplano.

Sa paglalakbay sa kalawakan, kaunti lamang ang kailangan gawin ng mga astronaut kumpara sa pag-andar ng kanilang sasakyang pangkalawakan.

Ganoon din sa ating buhay espirituwal. Habang lumalapit tayo sa Diyos, mas dinadala Niya tayo, hanggang sa wala na tayong gagawin kundi hayaan Siyang dalhin tayo. Nandito ang malaking bahagi ng ating pagsusumikap.

Chiara Lubich


Isinalin ni Jose Aranas mula sa aklat na Here and Now: Meditations on Living in the Present. Manila: New City Press, 2014, pp. 22-23

DONATE TO NEW CITY PRESS PH

New City Press Philippines offers all its articles for free; we would appreciate a small donation to help us continue serving you with relevant content.

For donations please click the donate button. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here


Must Read