Home2020Kung Tayo'y Nagkakaisa, Si Hesus ay Nasa Ating Piling

Kung Tayo’y Nagkakaisa, Si Hesus ay Nasa Ating Piling

Sisimulan natin sa buwang ito ang pagtatampok sa mga sinulat ni Chiara Lubich tungkol sa huling haligi ng Espirituwalidad ng Pagkakaisa: si Hesus sa ating piling.

Kung tayo’y nagkakaisa, si Hesus ay nasa ating piling. Mahalaga ito. Mas mahalaga ito kaysa anumang ibang kayamanan na maaring makamit ng ating puso — higit sa ating ina, ama, mga kapatid, mga anak.

Higit na mahalaga ito kaysa ating mga bahay, ating hanapbuhay o ating ari-arian; higit sa mga makasining na gawa sa isang lungsod tulad ng Roma; higit sa ating mga panukalang pangnegosyo; higit sa kalikasang pumapaligid sa atin ng mga bulaklak at mga bukirin, ang dagat at mga bituin; higit pa sa ating sariling kaluluwa.

Si Kristo, na nagbibigay-sigla sa Kanyang mga santo sa pamamagitan ng Kanyang mga walang hanggang katotohanan, ay nag-iiwan ng Kanyang tatak sa bawat panahon.

Ito ay Kanyang oras din. Subalit sa panahong ito, hindi Siya kumikilos sa pamamagitan ng isang santo; Siya ay kumikilos nang tuwiran. Ito ang oras Niya sa ating piling, oras Niya na nabubuhay sa atin habang tinatatag natin ang Kanyang Katawang Mistiko sa pagkakaisa ng Pag-ibig.

Subalit dapat nating palakihin itong Katawan ni Kristo, na pinalalago ito sa ibang mga kasapi. Tulad Niya dapat tayong magdala ng apoy na pinagbabago ang lahat ng sa tao sa pamamagitan nitong banal na sangkap, na pag-ibig sa gawa. Dapat nating pag-isahin ang lahat ng tao, upang Siya ay mabuhay sa bawat tao.

Samakatuwid, ating maisasabuhay ang buhay na ipinagkakaloob Niya sa atin sa bawat sandali. Ang saligang utos ay pangkapatirang pagmamahal. May halaga ang bawat bagay kung ito ay isang pagpapahiwatig ng tapat at pangkapatirang pagmamahal; samantala walang halaga ang anumang ating ginagawa kung wala roon ang damdamin ng pag-ibig para sa ating mga kapatid. Ang Diyos ay isang Ama, at ang Kanyang puso ay palagi at tanging nagmamalasakit sa Kanyang mga anak.

Chiara Lubich
Isinalin ni Msgr. Jose C. Abriol mula sa aklat na “Meditations” ni Chiara Lubich

DONATE TO NEW CITY PRESS PH

New City Press Philippines offers all its articles for free; we would appreciate a small donation to help us continue serving you with relevant content.

For donations please click the donate button. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here


Must Read