Buhay

Sa panahon ng pandemyang COVID-19, nais naming ibahagi sa aming mga mambabasa ang salin sa Filipino ng aklat ni Chiara Lubich tungkol sa kahalagahan ng pagsasabuhay ng kasalukuyang panahon. Ang mga pagninilay na ito ay hango sa librong “Here and Now” o “Discovering the Present: Meditations on Living in the Present” ng New City Press. Nawa’y matulungan tayo nito na harapin ang bawat araw at sa bawat sandali, tupdin ang kalooban ng Diyos.

Ligaya at lumbay,

pag-asa,

ang mga pangarap ay nagkakatotoo.

Ang pagiging ganap ng buhay at pag-iisip.

Katatagan.

Ang kamalayan ng tungkulin,

Ang tawag ng pag-ibig mula sa langit

tinalima

ng pagiging katugon ng ating buhay.

Pagkapagod.

Apoy at pagwawagi.

Mga unos.

Tiwala sa Diyos:

Diyos lamang.

Mga tugatog.

Mga lambak.

Mga matitinding pagbuhos ng ulan,

malalim na ugat.

Masaganang bunga…

Ang pangungulimlim ng kaluluwa:

‘Diyos ko, Diyos ko…’[1]

Kasunod ang kaaya-ayang musika mula sa langit,

malayo sa simula.

Pagkaraa’y mas malapit.

Ang tunog ng tambol:

Tagumpay!

Ang daan ng buhay,

mahaba at iba-iba,

subalit malapit ang layunin.

Ang lahat,

ang bawat bagay,

ay mayroong,

noon pa man ay mayroon nang iisang tadhana,

ang maging isa sa Iyo.

Chiara Lubich

Isinalin ni Jose Aranas mula sa aklat na Here and Now: Meditations on Living in the Present. Manila: New City Press, 2014, pp. 26-27


[1] Diyos, ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan? (Marcos 15:34)

DONATE TO NEW CITY PRESS PH

New City Press Philippines offers all its articles for free; we would appreciate a small donation to help us continue serving you with relevant content.

For donations please click the donate button. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here


Must Read