Home2022Binubuo Ngayon ang Kaharian ng Diyos

Binubuo Ngayon ang Kaharian ng Diyos

Sa panahon ng pandemyang COVID-19, nais naming ibahagi sa aming mga mambabasa ang salin sa Filipino ng aklat ni Chiara Lubich tungkol sa kahalagahan ng pagsasabuhay ng kasalukuyang panahon. Ang mga pagninilay na ito ay hango sa librong “Here and Now” o “Discovering the Present: Meditations on Living in the Present” ng New City Press. Nawa’y matulungan tayo nito na harapin ang bawat araw, at sa bawat sandali, tupdin ang kalooban ng Diyos.

Ang Tahanang Tinatayo Natin Dito

Ang buhay ay isang mahalagang pagbabago ng kalagayan: ito ay isang pagsubok! Kung gaano ko pinahihintulutang mabuo sa loob ko si Hesus, itatakda ito magpakailanman sa kabilang buhay. Bawat sandali, bawat kilos at hininga ko ay masasalamin sa buhay na walang hanggan! Bawat minuto ng buhay ko dito sa mundo ay nakakaimpluwensya sa Buhay! “Ang paraiso ay isang tahanan na itinatayo natin dito ngunit tinitirhan sa kabilang buhay.”

Ang Aming Kakanin sa Araw-Araw

“Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw.” (Mateo 6:11)

Ngayon, gusto Mo talagang mamuhay kami sa paraan Mo, Panginoon! Ngunit sino sa ating mundo ang nabubuhay nang ganito, sa ‘kasalukuyan,’ para lamang sa ‘kasalukuyan’? Sinong hinahabilin ang sarili sa hinaharap tulad ng mga ibong malayang lumilipad na pinapakain Mo’t dinadamitan?

Ginagawang simple ngunit tinatakot din ang ating pagkatao ng pamumuhay para lamang sa ‘kasalukuyan.’ Nais nating magtayo sa isang matatag at ligtas na hinaharap. Gayunpaman, maaaring wala nang bukas…

Panginoon, nais Mo kaming maging mapagbantay. Ipinapahayag Mo ang isang kaharian kung saan kami ay tatawagin sa araw at oras na hindi namin alam. Tama ka, at hindi Mo maaaring salungatin ang Iyong sarili.

Kaya’t bigyan Mo kami ng biyaya na mamuhay nang maayos sa natitirang bahagi ng aming buhay sa bawat araw na ibinibigay Mo sa amin.

Chiara Lubich

Isinalin ni Jose Aranas at Jonas Lardizabal mula sa aklat na Here and Now: Meditations on Living in the Present. Manila: New City Press, 2014, pp. 60, 62.

DONATE TO NEW CITY PRESS PH

New City Press Philippines offers all its articles for free; we would appreciate a small donation to help us continue serving you with relevant content.

For donations please click the donate button. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here


Must Read