Home2022Ang Malaking Pang-akit Ngayon

Ang Malaking Pang-akit Ngayon

Naging ganap ang pagpapahayag ng Diyos sa tao sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao ng Anak ng Diyos, si Hesus na isinilang ni Maria sa Belén. Tunay Siyang nakiisa sa kalagayan ng tao at ipinakita ang tunay na pagpapakatao. Ito ang hiwaga ng Pasko na patuloy na naglalapit sa atin sa Diyos.

Ito ang malaking pang-akit ngayon:

ang maabot ang pinakamataas na pagninilay

samantalang nakikibahagi sa buhay ng bawat tao,

bilang isa sa karamihan.

Makapagsasabi ako nang higit pa:

ang isama ang sarili sa madla

upang ang Diyos ay makalagos dito,

tulad ng alak na tuma­tagos

sa isang pirasong tinapay.

Makapagsasabi ako nang mas higit pa:

bilang mga kabahagi sa mga plano ng Di­yos

para sa sang­katauhan,

ang maglagay ng mga pamanta­yan ng liwanag sa madla,

nakikibahagi sa kahihiyan, kagutuman, mga ligalig

at maiikling kasiyahan ng ating kapwa.

Ang pang-akit ngayon, tulad sa lahat ng pa­nahon,

ay si Hesus at si Maria:

ang pinakamataas na mailalarawang pagpapaha­yag ng tao at ng Di­yos.

Ang Kataga ng Diyos, isang anak ng karpintero;

Ang Luklukan ng Karunugan, isang ina sa tahanan.

Chiara Lubich

Isinalin ni Msgr. Jose C. Abriol

DONATE TO NEW CITY PRESS PH

New City Press Philippines offers all its articles for free; we would appreciate a small donation to help us continue serving you with relevant content.

For donations please click the donate button. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here


Must Read