Iisa lamang ang aking Kabiyak dito sa mundo: si Jesus na pinabayaan.
Wala akong ibang Diyos maliban sa kanya.
Sa kanya matatagpuan ang buong paraiso kasama ang Santatlo.
At ang buong mundo kasama ang Sangkatauhan.
Kaya’t lahat ng sa Kanya ay akin, at wala ng iba pa.
At Kanya ang Paghihirap ng lahat, samakatuwid ito ay akin.
Daraan ako sa mundo na hinahanap ito sa bawat sandali ng aking buhay.
Ang lahat ng nakakasakit sa akin ay akin.
Sa akin ang paghihirap na dinaranas ko sa kasalukuyan.
Sa akin ang paghihirap ng mga kaluluwang nasa aking tabi (yaon ang aking Jesus).
Sa akin ang lahat ng bagay na hindi kapayapaan, hindi kaligayahan, hindi kagandahan, hindi kaibig-ibig, hindi matahimik…
Sa madali’t sabi, ang hindi Paraiso.
Dahil mayroon din akong Paraisong akin ngunit ito ay yaong nasa puso ng aking Kabiyak.
Wala na akong kinikilalang iba pa.
Magiging gayon, sa mga nalalabi pang taon sa aking buhay,
mananatili akong uhaw sa paghihirap,
sa dalamhati, sa kawalan ng pag-asa, sa pagkakahiwalay,
sa pagkakatapon, sa pagkakaabandona,
sa pagdurusa—dahil Siya ang lahat ng ito… At Siya ay Kasalanan, Impiyerno.
Sa ganitong paraan, mapapatuyo ko ang tubig ng pagdurusa sa maraming pusong nasa paligid ko,
At sa pamamagitan ng pakikipag-isa sa aking makapangyarihang Kabiyak, sa maraming malayo sa akin.
Daraan akong parang Apoy na tinutupok ang lahat ng dapat bumagsak at walang itinitirang nakatayo kundi ang Katotohanan.
Subalit kailangang maging katulad Niya, maging Siya sa kasalukuyang sandali ng buhay.
Chiara Lubich