Ang mga ito ay di pangkaraniwan at bukod-tanging mga salita, na tulad ng lahat ng mga salita na sinabi ni Jesus, ay mayroong nakapaloob na isang liwanag na hindi nababatid ng mundong ito. Ang mga ito ay napakaningning kaya sumusilaw at, samakatuwid, bumubulag sa mga nakapa-mulagat at naaalimpungatang mata ng mga tao, kasama sa mga iyon ang mga walang malasakit na Kristiyano.

Marahil wala nang iba pang bagay na mas mahiwaga at mahirap maunawaan kaysa sa krus. Hindi ito nauunawaan sapagkat tayo ay mga Kristiyano sa pangalan lamang — mga binyagan, oo, marahil tumutupad pa sa tuntuning Kristiyano su balit napakalayo sa nina nais ni Kristo para sa atin.

Naririnig natin ang tungkol sa krus kapag Kuwaresma. Umaawit tayo ng mga papuri tungkol dito tuwing Biyernes Santo at kung minsan atin itong isinasabit sa ating mga silid. Ito ang tanda na ating ginagamit sa pag lagay natin ng isang tatak sa marami nating mga gawain. Gayon pa man, hindi ito nauunawaan.

At marahil, ang pagkakamali ay nasa kato tohanan na ang pag-ibig ay hindi nauunawaan sa daigdig na ito. Ang pag-ibig ang pinakamainam sa mga salita, subalit ito rin ang masyadong ginagamit sa maling paraan at pinabababa. Ito ang pinakadiwa ng Di yos, ang mismong buhay ng mga anak ng Di yos, ang hininga ng Kristiyano. Gayon pa man, ang salitang ito ay sinamsam ng mundo. Ito ay nasa labi ng mga walang karapatan dito.

Totoo na hindi lahat ng pag-ibig ay pinaba baba. Halimbawa, ang pagmamahal ng isang ina ay isang dakilang uri ng pag-ibig sapagkat ito ay may kahalong pagpapakasakit. May mga ibang uri ng pagmamahal tulad ng pangkapatid, pang-asawa at pang-anak na agmamahal. Ang lahat ng ito ay mga paglalarawan, kadalasa’y mga di-sina sadya, ng pag-ibig ng Ama, ang Maylikha ng lahat ng bagay.

Subalit ang pag-ibig na hindi nauunawaan ay ang Pag-ibig mismo — ang katotohanan
na ang Diyos na lumikha sa atin, naparito sa lupa bilang isang Tao kasama ng mga tao, nakipamuhay sa atin at pinahintulutan ang Kanyang sarili na mapako sa krus upang tayo’y iligtas. Ang ganitong pag-ibig ay napakadakila at napakaganda, napakabanal at mas higit na mataas sa ating mga pantaong pagma-mahal, lubhang nabatikan ng dugo at masakit upang ating maunawaan.

Ang maka-inang pagmamahal ay maka pagpa pahiwatig sa atin nito. Ang pagmamahal ng isang ina ay hindi mga masuyong yakap at halik lamang. Higit sa lahat, ito’y pagpapakasakit. Ganito ang karanasan ni Jesus.

Pag-ibig ang nagtulak sa Kanya sa krus, na ina akalang kalokohan ng karamihan.
Subalit ang ganitong kalokohan lang ang nag ligtas sa sangkatauhan. Ito ang humubog sa mga santo. Sa katunayan, ang mga santo ay mga taong nauunawaan ang krus. Upang sundan si Jesus, ang nagkatawang-taong Diyos, pinasan nila araw-araw ang kanilang krus tulad ng isang napakahalagang bagay sa lupa. Kung minsan kanilang winasiwas ito tulad ng isang sandata, tulad ng mga kawal ng Diyos. Minahal nila ito sa buong buhay nila, at nabatid nila at naranasan na ang krus ang susi, ang tanging susi sa isang kayamanan — ang kayamanan. Unti-unting binubuksan ng krus ang ating kaluluwa sa paki kipag-isa sa Diyos.

Samakatuwid, sa pamamagitan ng mga tao, nagpapakitang muli ang Diyos sa tagpuan
ng mundong ito. Sa katulad bagamat mas hi git na maliit na paraan, inuulit ng santo ang mga gawain na minsan ay Kanyang ginampanan nang — bilang isang Tao — binendisyunan Niya iyong mga lumait sa Kanya, nagligtas, nagpagaling, nangaral ng karunu ngan ng Langit, at nagpakain sa mga nagugutom. Nagtatag siya ng isang bagong lipunan na batay sa batas ng pag-ibig, at ini hayag Niya ang kapangya rihan ng Nag sugo sa Kanya.

Sa maikling salita, ang krus ang kina kaila ngang kasangkapan upang ang Di-yos ay lumagos sa tao, at ang sangkatauhan ay lumahok nang mas lubos sa buhay ng Di yos, sa pagpasok sa Kaha rian ng La ngit dito pa man sa lupa.

Subalit tunay na kailangan nating pasanin ang ating krus. Dapat tayong bumangon sa umaga na inaasahan ito, at nababatid na sa pamamagitan nito lamang tayo makatatanggap ng mga biyaya na wala ang mundong ito — kapayapaan at kagalakan, kaalaman ng mga makala ngit na ba gay na lingid sa kaalaman ng karamihan.

Ang krus ay isang napaka-pangkaraniwang ba gay. Walang sala itong dumarating araw-araw. Ang pagtanggap sa krus sa pagdating nito ay sapat na upang gawin ta yong mga santo.

Ang krus ay sagisag ng Kristiyano. Hindi ito hinahangad ng mundo sapagkat naniniwala ito na maiiwasan nito ang pag-hihirap sa pagtakas sa krus. Hindi nababatid ng mga tao na ang krus ang nagbubukas sa kaluluwa ng taong nauunawaan ito, sa kaharian ng liwanag at pag-ibig, sa pag-ibig na la ging hinahangad ng mundong ito, su balit hindi makamit-kamit.

Chiara Lubich

Isinalin ni Msgr. Jose C. Abriol

Facebook Comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.